Prusisyon ng mga Katoliko
Ang prusisyon ay isa sa mahalagang bahagi ng pagsamba ng mga Katoliko. Hindi lamang kung kaarawan ng pista ng kanilang mga santo at santa sila nagdaraos ng prusisyon, kundi sa mga tanging pagkakataon, gaya na kung humihingi sila sa kanilang patron ng ulan, o ng mabuting ani, o kaya’y ng kaligtasan sa mga salot o mga sakit na lumalaganap.
Inilibot sa Tanauan ang mga santo at santa makalagpas ng Jollibee,patungong Tanauan North Central School at iiikot sa Citimart, palengke,Victory Mall hanggang Mercado Hospital at muling ililibot sa KFC hanggang makarating muli ang mga karo sa simbahan ng St. John Evangelist Parish Church.
Sa prusisyon ay inililibot ang mga inukit na larawan ng kanilang mga santo at santa, na nagagayakang mabuti ng magagarang kasuotan, at napapalamutian ng naggagandahanag mga bulaklak. Kung minsa’y pasan-pasan ito ng mga tao sa kanilang balikat at kung minsan nama’y nakalulan ito sa karo at hilahila o kaya’y itinutulak ng mga sa kanila’y nagpapanata. Sa magkaabilang gilid ng mga diyus-diyusang ito ay nakahanay naman ang mga kasama sa prusisyon, lalaki at babae, matanda at bata, dalaga at binata na may mga hawak na kandilang may ningas. Karaniwan na sa ganitong prusisyon ay may kasamang banda ng musika, na tumutugtog ng mga piling tugtuging naaangkop sa gayong pagkakataon. Kasama rin sa prusisyon ang pari ng parokya. Ang mga saradong katoliko’y buong pag-asang nagtitiwala na sa kanilang pagsama o pag-ilaw sa prusisyon ay nakagagawa sila ng malaking kabanalan sa harap ng Diyos.
Sumasama sila sa prusisyon sa pag-asa nilang ito’y utos ng Diyos at kabanalan kung ito’y gawin. Hindi sila nag-abalang ito’y suriin upang alamin kung saan ito nagmula, kung ano ang layon nito, kung ano ang pinagsasaligan ng kanilang relihiyon sa pagsasagawa nito, at higit sa lahat, kung ito’y may halaga sa harap ng Diyos. Ito ngayon ang aming ipinag-aanyaya sa aming mga kababayang katoliko. Panahon na upang tayo’y magsuri. Walang mawawala sa atin kung ito’y ating gawin, bagkus tayo’y makikinabang at makararating sa katotohanan.
Hindi makukumpleto ang aking prusisyon kung hindi ako makakakuha ng bulaklak sa mga santo. Makikipag-agawan ako ng bulaklak para lamang may maihandog sa aming altar kapag uwi ko ng bahay.