Monday, April 22, 2019

Biyernes Santo/Prusisyon 2019

     
 Prusisyon ng mga Katoliko

     Ang prusisyon ay isa sa mahalagang bahagi ng pagsamba ng mga Katoliko.  Hindi lamang kung kaarawan ng pista ng kanilang mga santo at santa sila nagdaraos ng prusisyon, kundi sa mga tanging pagkakataon, gaya na kung humihingi sila sa kanilang patron ng ulan, o ng mabuting ani, o kaya’y ng kaligtasan sa mga salot o mga sakit na lumalaganap.

     Inilibot sa Tanauan ang mga santo at santa makalagpas ng Jollibee,patungong Tanauan North Central School at iiikot sa Citimart, palengke,Victory Mall hanggang Mercado Hospital at muling ililibot sa KFC hanggang makarating muli ang mga karo sa simbahan ng St. John Evangelist Parish Church. 

      Sa prusisyon ay inililibot ang mga inukit na larawan ng kanilang mga santo at santa, na nagagayakang mabuti ng magagarang kasuotan, at napapalamutian ng naggagandahanag mga bulaklak. Kung minsa’y pasan-pasan ito ng mga tao sa kanilang balikat at kung minsan nama’y nakalulan ito sa karo at hilahila o kaya’y itinutulak ng mga sa kanila’y nagpapanata.  Sa magkaabilang gilid ng mga diyus-diyusang ito ay nakahanay naman ang mga kasama sa prusisyon, lalaki at babae, matanda at bata, dalaga at binata na may mga hawak na kandilang may ningas.  Karaniwan na sa ganitong prusisyon ay may kasamang banda ng musika, na tumutugtog ng mga piling tugtuging naaangkop sa gayong pagkakataon.  Kasama rin sa prusisyon ang pari ng parokya.  Ang mga saradong katoliko’y buong pag-asang nagtitiwala na sa kanilang pagsama o pag-ilaw sa prusisyon ay nakagagawa sila ng malaking kabanalan sa harap ng Diyos.  

     Sumasama sila sa prusisyon sa pag-asa nilang ito’y utos ng Diyos at kabanalan kung ito’y gawin.  Hindi sila nag-abalang ito’y suriin upang alamin kung saan ito nagmula, kung ano ang layon nito, kung ano ang pinagsasaligan ng kanilang relihiyon sa pagsasagawa nito, at higit sa lahat, kung ito’y may halaga sa harap ng Diyos.  Ito ngayon ang aming ipinag-aanyaya sa aming mga kababayang katoliko.  Panahon na upang tayo’y magsuri.  Walang mawawala sa atin kung ito’y ating gawin, bagkus tayo’y makikinabang at makararating sa katotohanan.

     Hindi makukumpleto ang aking prusisyon kung hindi ako makakakuha ng bulaklak sa mga santo. Makikipag-agawan ako ng bulaklak para lamang may maihandog sa aming altar kapag uwi  ko ng bahay. 

























Related Posts:

  • Splash Mountain Resort Like most, if not, all resorts in Calamba, Splash Mountain features a variety of man-made pools with natural spring water sourced from nearby Mount Makiling. There used to be about 4 or 5. After expansion, there are now 19. … Read More
  • Biyernes Santo/Prusisyon 2019        Prusisyon ng mga Katoliko      Ang prusisyon ay isa sa mahalagang bahagi ng pagsamba ng mga Katoliko.  Hindi lamang kung kaarawan ng pista ng kanilang mga santo at santa sil… Read More
  • Easter Sunday/Tamesis Grand Family Reunion Tamesis Grand Family Reunion Held last April 21,2019 in Majada,Calamba. Family reunion is an occasion when many members of an extended family get together and reconnect. Reunions are held annually… Read More
  • Maundy Thursday/Mt.ManabuMaundy Thursday/Mt.Manabu For many Filipino families, no matter what religion they have, Holy Week is the time to pause, reflect and spend time with their families.  As for me,we took time to spend our Holy Thursday in… Read More
  • Linggo ng Palaspas Ang Linggo ng Palaspas ay ang ika-anim at huling Linggo ng Kuwaresma bago ang Pasko ng Pagkabuhay ni Kristo. Sa araw na ito ay ginugunita ng mga Kristiyano ang pagpasok ni Hesukristo sa Jer… Read More

0 comments:

Post a Comment