Friday, April 12, 2019

Kamulatan sa Buhay



Pinaggawa kami ng aming guro sa Filipino ng aming pananaw ukol sa paksa na "Kamulatan sa Buhay". At ito ang aking naisulat.


Kamulatan sa Buhay

            Noong mga panahon ng kamusmusan at wala pang sapat na kamuwangan sa mundong aking ginagalawan, ipinamulat na sa aming magkakapatid ng aming mga magulang na matutong mamaluktot kapag maikli ang kumot. Luma man itong kasabihan ngunit tunay na magagamit natin ito sa ating buhay.

            Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay malaki ang kita ng aking ama at ina. Nariyan na hindi sapat ang kanilang inuuwing kwarta. Sa pangunahing pangangailangan pa lamang ng buong pamilya ay kinakapos na at hindi sumasapat para sa iba pang dapat pagkagastuhan. Sa siyam na bibig na kailangan mong lamanan upang makaraos lamang ng buong isang araw. Isama mo na rin diyan ang mga hindi inaasahang gastos sa eskwelahan na kailangang badyetin ni Nanay para sa pito niyang mag-aaral. Tunay nga na namulat kaming pitong magkakapatid upang maging disiplinado sa paggasta ng aming pera. Ang mga hindi naman kailangang pagkagastusan ay isinasantabi na lamang namin upang sa oras ng kagipitan ay may mahuhugot kami sa aming bulsa. Hindi naman sa pagiging kuripot o matipid, natuto lamang kami na pahalagahan ang bawat sentimong aming natatanggap sa mahusay na pamamaraan.


By:

Mina Gracia L.Maiquis 

4 comments:

  1. It's not about how much money you make. It's about how you save and budget it. 😊

    ReplyDelete
  2. everyone has their own experience,sometimes positive and sometimes negative but whats important is through experience we can improve ourselves for the better future

    ReplyDelete