Bakit hindi tumitigil ang orasan?
Ang orasan ay parang buhay ng tao. Sumusunod lamang tayo sa agos ng buhay kung saan man tayo nito dalahin. Sa bawat oras na lumilipas,tulad ng buhay ng tao,marami tayong natututunan sa mga taong nakapaligid sa atin at sa mundong ating ginagalawan. Ang oras ay napakahalaga at magiging kapakipakinabang kung gugugulin natin ito at ilalaan ang oras sa mga tamang tao,bagay at pamamaraan. Tunay nga na ang buhay ng tao ay walang tigil sa pakikipagsapalaran. At ikaw bilang nagmamaniobra ng iyong buhay, ang siya lamang makapagsasabi ng kahihinatnan ng iyong kapalaran.
Bakit nga ba natutuyo ang dahon?
By:
Mina Gracia L.Maiquis
0 comments:
Post a Comment